#tagalogpoetry

32 posts
  • chowder16 15w

    Sana sa pag lubog ng araw matagpuan mo na ang magsisilbing liwanag pag ikaw ay nag-iisa..
    Sa tuwing ika'y nasasaktan,
    Anjan sya para ika'y hawakan..

    Sana sa pag litaw ng buwan,
    Makita mo na ang taong magpapakalma
    Sa pagiisip mong di mo na kaya..
    Sa tuwing isip mo'y magulo at balisa,
    Anjan xa para unawain ka..

    Sana isang araw, makita ng dalawa mong mata kung gaano ka kahalaga..
    Kung paano ang iyong ngiti ay nagbigay saya sa buhay nila.
    Na ang iyong presensya'y dahilan ng kasiyahan ng iba..


    ©chowder16

  • themidmorningquietus 73w

    you told me that you could not make a choice and yet that wave goodbye felt like i wasn't it.

    ©themidmorningquietus

  • themidmorningquietus 73w

    And one day, the moon found the courage to profess it's love for the ever light but it was too late the sun has set to dark and opposite will remain a composite of unspoken feelings felt on a daily basis.

    ©themidmorningquietus

  • themidmorningquietus 75w

    Hearing your name still brings me to date street with beer bottles and cigarettes, smiles and silhouettes, songs about love and a lifetime we believed in greatly


    ©themidmorningquietus

  • ginangmariya 91w

    Dagat

    Dagat na asul
    Tahimik 'pag malalim
    Parang damdamin
    ©ginangmariya

  • thefoodiepoet 95w

    "Alon"

    Nakalulunod ang mga araw na ito.
    Mga problema na tila alon ay paroo't parito.
    May sakit man, ngunit walang nakikinig sa'yo.
    Aanhin ang pagpapanggap kapalit ng sakit sa puso?
    Bigo at lumalaban,
    Ngunit hindi manalo kailanman.
    Hanggang saan kaya magpasan?
    Kailan kaya ito malalampasan?

    Gladys Cyrene Bascara Dagal
    ©thefoodiepoet

  • paupau 97w

    Isa, dalawa, tatlo, apat, lima
    Ilang pag kakataon na ba?
    Sa sobrang dami hindi ko na maalala pa
    Kasinungalingang nagka patong patong na
    Sa sobrang dami nakakalunod na

    Ilang ulit pa ba?
    Ilang ulit mong kailangang saktan
    Sa mga pag kakamali mong lahat tila sinasadya?
    Patawad, ang linyang pag dating sayo ay walang saysay
    Wag mo kong iwan, mga katagang sayo ay gasgas na gasgas na

    Ilang ulit pa ba?
    Ilang ulit mong balak durugin
    Ang puso ko na walang ibang ginawa kundi ang ikaw ay mahalin
    Pinilit kang intindihin
    Ibinigay ko lahat ang yong hiling
    Pero sa huli iba ang pinili mong makapiling.
    San ba ko nag kulang?
    May nagawa ba kong mali?
    Para saktan mo ng paulit ulit?

    Isa, dalawa di ko na paaabutin ng tatlo
    Ngayon alam kong handa na ko
    Talikuran ang landas patungo sayo
    Kung hindi mo kayang bigyan ng halaga
    Hindi ko na ipipilit pa
    Hahayaang pumatak ang mga luha
    Hihintayin na dumating ang araw
    Na ikaw ay isa na lang mapait na alaala.
    ©paupau

  • paupau 101w

    Pinilit kong ilaban
    Tinignan kung hanggang san ko makakayanan
    Sa kagustuhang mapasaakin ka
    Kinalaban ko pati ang tadhana
    Ginawa ang lahat ng nararapat
    Lahat ng pamamaraan pilit kong hinanap
    Kahit hirap na pilit paring itinatama
    Pinag tutugma ang panahon
    Sinama ko ng samantalahin pati pag kakataon
    Para lang masiguradong tayo hanggang dulo
    Ikaw at ako, diba yan ang ating plano?

    Pero anong nangyari?
    Bakit ganito ang sinapit,
    Puro luha at pasakit
    Ang inukit mo sa puso ko puro pait at galit

    Gusto kong tumakbo,
    Tumakbo papalayo sayo
    Hanggang sa mapagod ako at kusang huminto
    Mawalan ng hininga dahil sa sobrang pagod
    Ng sa ganun lahat ng nararamdaman ay kusang mag laho

    Gusto ko mang sabihing sa parte ko ay walang pag sisisi
    Pero pag naiisip ko lahat ng nangyari
    Napapapikit na sana hindi na lang to nangyari
    Hindi nangyari na nakilala ka
    Napalapit at minahal ka ng sobra
    Kung alam ko lang na ang kapalit ng pag mamahal
    Ay araw araw na pag durusa
    Sana nung una pa lang hinadlangan na
    Hindi na pinaabot sa puntong minahal kita

    Sayo umikot ang mundo ko
    Pero ikaw pag katao ko ang pinaikot mo
    Sa bawat pag mamahal na ibinubuhos ko
    Ang isinusukli mo ay puro pang gagago

    Huling huli na to
    Tama na, suko na ko
    Hindi ko na hahayaan na masaktan mo pa ulit ako
    Kung hindi ako nararapat sa paningin mo
    Kung madali sayo na pag laruan ako
    Kung kaya mong ibasura ang pag katao ko
    Itapon at kalimutan ang pag mamahal ko
    Sige lang tatanggapin ko
    Kesa naman mamalimos ako ng pag mamahal
    Sa isang taong katulad mo.
    ©paupau

  • blackminijay 116w

    WAG MO NA AKONG BABALIKAN PA

    Akala ko noon iba ka sa kanila.
    Kaya nga minahal kita ng sobra aking sinta.
    Pero mali pala na ako sayo'y nagtiwala.
    Dahil katulad ka lang din pala nila.

    Pareho lang kayong mga paasa.
    Wala ka rin pinagkaiba sa kanila.
    Ako nga pala ang iyong naging biktima.
    Baka lang kasi di mo na ako naaalala.

    Pero saan ka nga ba kumukuha ng kapal mukha?
    Para  sabihin mo sakin na mahal pa kita.
    Sobra na ata ang pagka-asumero mong palaka.
    Akala mo siguro babalikan pa kita.

    Wag mo na akong kakausapin pa.
    Tapos na nga ang naging kahapon natin diba?
    Kaya wag mong isipin na may pagasa pa.
    Dahil noon pa lang tinapos mo na.

    Sino ba ang nagloko sa ating dalawa?
    Diba't sa relasyon natin ikaw ang sumira.
    Yung totoo ulyanin ka na ba?
    Grabe ang bilis mo naman atang  tumanda.

    Sa kalandian mo ba'y nag sawa ka na?
    O natauhan ka lang sa iyong pagnanasa.
    Di ka rin ba nakaisa sa kanya?
    Katulad nang nais mo sakin noon makuha?

    Ang minahal mo lang ba ay ang aming katawan?
    Kung ganun masasabi ko na kalibugan lang yan.
    Dahil ang pagmamahal ay hindi isang kalaswaan.
    Dahil kapag ikaw ay umibig  dapat walang kahit anong dahilan.

    Sobrang nasaktan ako nung ikaw ay lumisan.
    Inisip ko noon kung ano ang aking kamalian.
    Pero ngayon alam ko na ang iyong dahilan.
    At tama lang pala na ikaw ay kalimutan.

    Inaamin ko na masaya ako nung tayo pa.
    Masaya ako kahit puro sama ng loob ang iyong daladala.
    Sinasaktan mo kasi ako ng hindi mo sinasadya.
    Katulad na lang ng iyong pang babalewala.

    Nung nangliligaw ka pa lang sakin nagpapakitang gilas ka.
    Pero bakit nung sinagot na kita bigla ka ng nag iba.
    Ganon ba pag alam mo na mahal din kita?
    Aabusuhin mo ito kahit ako may masaktan pa.

    Sobrang nasayang ang mga luha ko sayo.
    Iniiyakan ko kasi noon ang walang kwentang tulad mo.
    Pero di na muling mangyayari pa iyon.
    Dahil hindi na kita papayagan na bumalik pa sa buhay ko.

    Ang nais ko noon ay makapiling ka.
    Ngayon naman ay ayaw na kitang makita pa.
    Masaya na ako sa buhay ko na hindi ka kasama.
    Kaya wag mo na akong babalikan pa.

    Sayo'y aking muling sasabihin na.
    "Wag mo na akong babalikan pa.
    Dahil hindi ko ninais na saki'y bumalik ka.
    Dahil ayaw ko nang muli ka pang makasama."

    ©blackminijay

  • ginobjorn 117w

    800

    Daang lupon ng tala'y naging saksi sa pighati
    Nang ang pinangakong tadhana'y naisipang ipagkait
    Ininda ang lumbay at ang baon nitong hapdi
    Nang di na muling masilip ligayang 'di na makamit

    Daang ihip ng hangin ang nagtangay sa'ting layag
    Papalayo sa umagang sabay nating hinangad
    Inagos ang balsa at pahiyaw naging pagtawag
    Saklolong inasaha'y 'di na naisipang maglantad

    Daang pangako'y lumugso't nawalan yaring hubog
    At ang pag-unos ng luha ay daglian nang naglunod
    Sa damdaming inanod, naging warat sa paglubog
    Mga alaalang sutil nag-bara sa lagusan ng limot

    Daang alab pinarikita'y nagmaliw lang sa hininga
    Sabay ng mga lutang na hakbang at palitang salita
    Tumampalasan ng kublihan at iniwang nabahura
    Dinig lang ay ang panaghoy ng dibdib na nagitla

    Daang daang patak ng luha ang kumitil sa ating tanglaw
    Daang daang kipot daan pilit tatahakin na ng ligaw
    Tungo sa natitirang liwanag na aking abot-tanaw
    Nang tuluyang magwakas karimlang sa mundo ay sumaklaw

    ©ginobjorn

  • ginangmariya 119w

    Laro Lang Walang Tayo

    Ni: Darlyn Mae Saniel

    Bahay-bahayan hanggang sa magkahulugan
    Habul-habulan hanggang sa magkasakitan
    Taya-tayaan hanggang sa magkaiwanan
    Tagu-taguan hanggang sa magkalabuan

    Patintero para sa mga seloso
    Tumbang preso para sa mga seryoso
    Luksong-baka para sa mga nagtataka
    Luksong-tinik para sa mga natinik sa pag-ibig

    Maiba-taya may iba ka na palang gusto
    Tagu-taguan kabilugan ng buwan
    Tagu-taguan ng nararamdaman
    Gumaya sakin taya
    Gumaya sakin tanga

    Langit lupa impyerno im im impyerno
    Ikaw, ako walang tayo
    Wala, wala, wala, wala, walang tayo
    Saksak puso tulo ang dugo
    Patuloy parin nagdurugo
    Itong aking puso

  • angelic_ca 119w

    Ngunit lilipas lang ba itong pagtingin?
    O madadala ito ng hangin?
    Bagyong malakas ang hampas
    Sa agilang lumilipad ng mataas.

    Maari bang ang hangin ang magdadala
    Upang sa ganitoy maipapakita
    Na ang kahapon ay may kasalukuyan
    At ang bukas patungong walang hanggan
    ©angelic_ca
    +>ARM
    Collaboration with ©Pluma't Papel

  • angelic_ca 119w

    Nung una mong narinig
    Na pangalan mo ay sambitin
    Ikaw ay nahinto at napailing.

    Dahil di mo akalaing
    Makikilala at matatandaan
    Ang bawat letra ng iyong pgkakilanlan

    At unti unting lumapit
    Distansya ay tinawid
    Ng ating mga tingin at mga ngiti
    Na tila ngdadala skin sa langit

    Para kang bagyo
    Inilipad na palayo
    Ang mga alinlangan ko sa kahapon
    At pinawi ang kirot ng ngayon
    ©angelic_ca
    +>ARM
    Collaboration with ©Pluma't Papel

  • angelic_ca 119w

    Nung una mong nasilayan
    Ang aking mga mata
    Ikaw ay nagulat at namangha.

    Dahil di mo akalain na,
    Ikaw ay tatawagin
    Ng aking lihim na pagtingin.

    Nang una mong nakita
    Ang aking ngiti
    Na para sa iyo lang ikinukubli
    Ikaw ay napahinto sandali

    Sinuklian mo ang aking ngiti
    Na mas tumatamis sa iyong mga labi.
    ©angelic_ca
    +>ARM
    Collaboration with ©Pluma't Papel

  • ginangmariya 120w

    Taym Mashin 2

    Gusto kong bumalik, puso'y nasasabik
    Lumundag muli sa luksong tinik
    Magpiko kahit pa maputik
    At ang matalo tiyak sa tainga'y may pitik

    Walang pakialam, walang dinaramdam
    Ang hangad mo lang makapasa sa exam
    Panahong di pa uso ang fb at instragram
    Kasiyahang maligo sa ilog o kaya sa dam

    Gusto ko ring sariwain
    Sa mesa meron nang nakahain
    Pagtapos kumain
    Di matulog sa tanghali, palo'y makatitikim

    Sandangkal na text, pogs at jolens
    Pahabaan ng snake sa 3310
    Manungkit ng mangga kasama si besfren
    Kapag hinabol ng aso, unahang tumakbo ng matulin

    Bahay-bahayan, lutu-lutuan
    Titser-titseran basta walang paluan
    Kasal-kasalan, tagu-taguan
    Basta maliwanag ang buwan

    Kinakabisado kanta ng bawat laro
    Gumagawa ng sariling liriko
    Lahat ng klase ng pauso
    Kapag may bago, ikaw ang bida sa kanto

    Kay sarap balikan lahat ng alaala
    Mula pagkabata, baon na sa pagtanda
    Marami pang di maisa-isa
    Kung bibigyan ng pagkakataon, nais kong bumalik talaga


    ©ginangmariya

  • iamtinee_69 121w

    Wag Ako

    Wag ka sakin. Kung playtime lang ang gusto mo.
    Hindi ako yung tipo ng taong mahilig maglaro.
    Wag ka sakin, kung pansamantala lang ang hanap mo.
    Hindi ako yung babaeng pakikiligin mo lang , mahuhulog sayo,
    At pagkatapos ay iiwan mo.
    Wag ka sakin. Kung public display ang hanap mo.
    Hindi ako maganda gaya ng iba, rumarampa.
    Wag ka sakin, kung ang gusto mo ay mapera.
    Hanggang ambag lang ako, hindi pang “sagot ko na.”

    Wag ako. Wag ako ang piliin mong maging kapareho.
    Kung lokohan ang tema.
    Wag ako kung ang gusto mo lang ay yung babaeng
    Parang damit na pag wari’y papalitan mo na.
    Wag ako, wag ka sa sakin, lumayo ka nalang kung di mo
    kayang tumbasan ang katapatan ko.
    Kung hindi pangmatagalan ang hanap mo.
    Kung pampalipas lang ng oras, please wag ako.

    Babae ako, oo. Pero para lang malaman mo.
    Hindi kagandahan ang katawan ko na katulad ng ibang
    Babaeng nililingon mo.
    Kaya kung hindi ka seryoso wag nalang ako.

    Kaya kong maging maganda sa paraang alam ko,
    Sa paraang ako, hindi katulad ng ibang tao.
    Kaya kung hindi mo ako tanggap , wag ako, wag ka sakin.

    Babae ako, kaya kong magmahal.
    Pero sana alam mo rin na nagsasawa din kami kung
    Lagi nalang nasasaktan.
    Kaya please, kung hindi ka sigurado, wag nalang.
    Wag ako , wag ka sakin.

    ©iamtinee_69
    (10April2019, 12:51AM)

  • ginangmariya 121w

    Taym Mashin

    Laro tayo, isa dalawa tatlo
    Magtago ka doon, iwan ang kasalukuyang panahon
    Sumiksik ka sa gilid, yung hindi ka maiipit
    Huwag kang lilikha ng ingay, nang kalooban ay mapalagay
    Apat lima anim
    Doon ka lang sa dilim
    Hintayin mo ang bilang, basta dyan ka lang
    Iwan mo na ang huwad na anino, kung ayaw sumama sa iyo
    Magsaya ka sa sulok, tiyak hindi kanya maaabot
    Pito at walo
    Iwan mo na ang masamang alala mo
    Mag-enjoy sa natitirang numero
    Tiyak hindi nya mapagtatanto
    Kung saan mo lahat tinatago
    Siyam
    Siguradong walang makakaalam
    Wala namang may balak umalam
    Ng lahat ng sikreto mo't pagdaramdam
    Sa pagtatago, galingan mo lang
    Sampu
    Kumakabog ang dibdib mo
    Walang makita kahit anino
    Galingan mong magtago
    Wag nang magbalik, dahil walang nagbago.

    ©ginangmariya

  • ginangmariya 121w

    Dilim
    Ni John Kenneth Marquez


    Sa isang sulok ng kwarto
    Sa dilim na punung-puno ng elemento
    Mga maligno sa sulok ng kwarto
    Mga duwende na gumugulo sa panaginip mo
    Mga multo na mistulang mata na nagmamasid sa iyo
    At mga demonyo na naghihintay sa gilid ng kama mo
    At.....
    Ako ngayo'y nasa dilim
    Dala dala ang lihim
    Ang sakit na kahit kailan di nya nabatid
    Ang sakit na kahit kailan di ko naipabatid
    Ang sakit na walang patid
    Kaya ako'y naging manhid
    Ang hirap mangapa sa pusong manhid
    Di alintana ang lihim at patalim
    Kung saan maraming kinikimkim
    Sakit! Lihim! Patalim!
    Kasama ang mga emosyong kinimkim
    Sa loob ng kwarto ng puno ng dilim
    Nilimot ang anino ang nakaraan
    At ang dilim ang natirang sandigan

  • ginangmariya 118w

    Paulit-ulit

    Gising, bangon!
    Muni-muni
    Upo sa isang tabi
    Pakulo ng tubig sa takure
    Magtimpla na ng kape

    Higupin habang nag-iisip
    Sumubo kahit kaunti
    Umupo sa isang tabi
    Ang oras ay hintaying muli

    Buhos, hilod, sabon
    Magkumahog sa natitirang minuto
    Bihis, suklay, polbo
    Magwisik ng pabango

    Sapatos, hakbang, papasok
    Abala ng anim na oras
    Boses may namamalat
    Tuloy tuloy, di mag init ang pwet sa pag upo

    Matatapos ang araw na ganito
    Matutulog ng pagod, gigising na pagod
    Gusto ng sumuko, pero paano?
    Kung ang takbo lang ng buhay ko ay ganito.

    Pamagat......


    ©ginangmariya

  • paupau 122w

    Hanggang kailan ka handang mag hintay
    Hanggang saan ang kaya mong ibigay
    Mapatunayan lang na tunay kang mag mahal
    Handa ka bang patuloy na sumugal?
    Pano kung sa huli mawalan ng saysay
    Hindi karin piliin ng taong kay tagal mong hinintay
    Hanggang kailan ka mag aabang
    Na mahalin ka ng taong matagal mo ng pinagdarasal
    Kakayanin mo ba kung dumating ang sandali
    Na sambitin na hindi pala ikaw ang kanyang nais?
    Matatanggap mo ba ang sakit
    Kung sa huli hindi ikaw ang pipiliin?
    Ang hirap diba?
    Yung alam mong walang kasiguraduhan
    Kung sa huli ikaw ba ay mag tatagumpay
    At makamit ang pag mamahal na kay tagal mong ipinagdasal.
    ©paupau