#tagalog

715 posts
  • aiyyo0529 3h

    Pangalan

    Katunog ng iyong pangalan
    hugis tatsulok na hindi makulayan.
    Hindi pantay ang mga linyang papunta kung saan
    nandoon ka at pabalik sa nakaraan.
    Mga salitang kulay bughaw at dumadaloy na parang ulan.
    Maingat.
    Nakabibinging tunog ng mga salita at himig.
    Na walang nakikinig.
    Na walang anumang pahiwatig.

    Hindi naging mabilis ang pagdating mo.
    Mahal. Madali. Maayos.
    Hindi naging mabigat ang ating pagtungo.
    Magaan. Maaliwalas. Malinaw.

    Masikip sa dibdib.
    Nagsusumamo ng tahimik.
    Kung bakit sinubukang lumisan
    para sa bugsong hindi mapigilan.
    Pait na walang halong galit ang iniwan
    Sa lilim ng pangakong magbabalik ka ~
    at magpapahinga lamang.

    Katunog ng iyong pangalan
    Ang pag sambit sa buwan:
    "Mahal kita, magpakailanman."

    郭亞蓉
    ©aiyyo0529

  • arahm_darkwing 10w

    I love you.
    A words that will make your dream come true and will ruin your world at the same time.

    ©arahm_darkwing

  • arahm_darkwing 10w

    Telling me to unlove you is like asking me not to breath.

    ©arahm_darkwing

  • miss_silentlyweird 11w

    -4:40 am thoughts-


    Nawawalan na ako ng pag-asa,
    pero tiwala ako na ang luhang rumaragsa
    ay may kapalit na ligaya't biyaya.

    //©miss_silentlyweird//
    #Tagalog #baybayin #puhon #selfmotivation

    Translation : I'm losing aspiration,
    in any case, I am certain that the tears will stream
    has in return joy and grace

    Read More

    ᜉᜓᜑ᜔oᜈ᜔

  • shatteredmaiden 14w

    "San ba tayo papunta?"

    "San mo ba gusto?"

    "Ewan. Hindi ko alam san tayo pupunta."

    "Hindi ko rin alam saan tayo papunta."

    "Wala ata tayong patutunguhan."

    "Wala nga."


    ©shatteredmaiden

  • a_rudio 16w

    Kasunod sa unang tulang isunulat ko noon na may pamagat na-
    "Bangin"

    #tagalog #filipino

    Read More

    Isang hakbang

    Isang hakbang pabalik
    Hindi sa dating ikinalalagyan
    Kundi, sa yakap na binitawan
    Sa tiwala na nawala
    Sa pangakong kinalimutan
    at binaon ng mabigat
    na kasalanan
    Isang hakbang nalang sana
    Patungo sa bangin
    na aking pagsisihan
    Huwag kang maniwala
    Walang kapalit na kasiyahan
    ang kamatayan

    ©a_rudio

  • cinshinedy 19w

    #cinshinedy #mirakee #tagalog #filipino
    Tulad ng imaheng nakikita mo'ng napakalabo. Ganon din ang mga taong nasa paligid ko, napagulo at napaka labo.

    Read More

    .

  • jdannnn 31w

    Kung balang araw tayo ay muling magkikita
    Ang lungkot sa aking mga mata ay hindi mo na makikita
    Pagkat sa oras na iyon ay tanggap ko na
    Na tayo marahil ay pinagtagpo lang at 'di itinadhana
    ©jdannnn

  • manang 35w

    i

    Hanggang kailan mo makikita na ikaw at siya'y di tinadhana?

    Hanggang kailan ka aasa na ang mundo ay iinog para kayong dalawa ay muling magkita?


    "Ineng, huwag mo nang hintayin na maabot yaring bituin -

    "Luha mo ay hinding hindi niya sasaluhin."


    "Ineng, sapat na ang maniwala sa tamis ng unang pagsinta. Damhin mo ang kirot at sa alaala ay ibaon ang saglit nitong hiwaga."


    ©manang

  • dwriterph 40w

    Pagtanggap

    Payapang mga ulap
    Tanaw ko ang berdeng kagubatan
    Mga paa kung tungo sa kaginhawaan
    Kahit na ang mundong aking ginagalawan ay may taglay na kapintasan

    Mga huni ng ibon na tila parang musika
    Ang pag dampi ng malamig na hangin sa aking mga balat may halong mystica
    Mga palaisipang hirap unawain
    Ako'y y magpapatuloy sa aking gawain

    Sa pag lubog ng araw
    Ako'y tutungo sa ibabaw
    At pag tuluyan ng sinakop ng dilim ang liwanag
    Ako'y lulubog kasabay ng kaloobang panatag

    ©dwriterph

  • ang_mund_ni_luna 40w

    Umasa

    Sabi mo hindi ka aalis?
    Sabi mo hindi ka magsasawa?
    Sabi mo hindi ka mapapagod?
    Sabi mo hindi ka susuko?

    Pero bakit nawala ka?
    Bakit umalis ka?
    bakit nagsawa ka?
    Bakit bumitaw ka?

    Sinabi ko sayo sa simula palang mahirap akong pakisamahan
    Mahirap akong intindihin
    Mahirap akong mahalin

    Pero anong sinabi mo?
    Kaya mo hindi ka magsasawa
    Kaya mo kong tiisin
    Kaya mo kong intindihin
    Kaya mo kong mahalin

    Umasa ko, Naniwala ako
    Sinabi ko sa sarili ko na baka ikaw na nga.
    Ngunit nagkamali ako, Bumigay na naman ako.
    Kaya ngayon naiwan akong magisa
    Naiwan akong nasasaktan

    Iniwan mo ko kasama ang mga pangako mong Kakayanin mo

    ©angmundoniluna

  • sourcream 41w

    Nasanay sa maiinit na bisig mo,
    inakalang panghabang-buhay lahat ng ito,
    Di lubos maisipang may dulo ang nararamdaman mo,
    Masyado ata akong napanatag sa panandaliang pag-ibig mo.
    ©sourcream

    #filipino #tula #maiksingtula #tagalog

    Read More

    Panatag

    Nasanay sa maiinit na bisig mo,
    inakalang panghabang-buhay lahat ng ito,
    Di lubos maisipang may dulo ang nararamdaman mo,
    Masyado ata akong napanatag sa panandaliang pag-ibig mo.
    ©sourcream

  • sourcream 43w

    Bakit hindi ako?
    Tila ba isang sampal sa mukha ko ang katanungang ito,
    ako naman ang nandiyan sa tabi mo,
    Ako naman ang walang sawang nagmahal sa'yo.
    Damdamin ay hindi kailanman huminto,
    Bumalik man tayo sa umpisa kung saan tinanggap ko na agad kahit pa ito'y pagkatalo.

    #Filipino #tagalog #tula #literatura #pagibig #pagkabigo
    #baguhan

    Read More

    Bakit hindi ako?

    Bakit hindi ako?
    Tila ba isang sampal sa mukha ko ang katanungang ito,
    ako naman ang nandiyan sa tabi mo,
    Ako naman ang walang sawang nagmahal sa'yo.
    Damdamin ay hindi kailanman huminto,
    Bumalik man tayo sa umpisa kung saan tinanggap ko na agad kahit pa ito'y pagkatalo.
    ©sourcream

  • a_rudio 44w

    Bangin

    Pinili kong manahimik
    sa mga taong nakapaligid
    Magsasalita pa ba
    kung walang gustong makinig?
    Marahil pakiramdam ko lang,
    Ginawa ng aking kaisipan
    para tuluyan ng mahulog
    sa bangin na matagal ko
    ng inaasam
    Gumagabay ang takot at kaba
    konting hakbang nalang at
    malapit na kong maging masaya

    ©a_rudio

  • naaaatsuke 48w

    nakita kita sa madilim at
    masukit na kagubatan,
    naglalakad,
    na parang may hinihintay,
    mga mata'y napapaluha,
    takot na takot,
    na parang nawawala.

    ikaw ay nakapusas
    at may koronang puno ng tinik,
    sinubukan mong sumigaw para
    humingi ng tulong,
    ngunit pati sarili mo hindi
    mo marinig.

    tumakbo ka ng tumakbo,
    kahit ilang bese kang natalisod,
    bumangon ka parin kahit
    puno ka na ng galos,
    dumudugo ang mga tuhod
    at sugatang kamay.

    tumakbo ka ng tumakbo,
    sa gitna ng dilim,
    hindi mo mawari
    kung paano ka nakarating,
    gusto mong umiyak
    ngunit walang kahit isang
    patak na lumabas,
    sukong suko ka na,
    balisa at mukhang
    nababaliw na sa takot at sakit.

    ngunit tumakbo ka parin ng tumakbo,
    hanggang sa napahinto ka sa isang
    malawak at napakalinaw na lawa,
    nakita mo sa iyong repleksyon,
    na ako pala iyon,
    mga matang pagod na pagod,
    labi na nanginginig sa takot,
    mukhang hindi maipaliwanag,

    isang repleksyon ng aking
    mga pagsubok na pinagdaraanan,
    sa aking paglalakbay sa mundong ito,
    para lamang mahanap ang tunay na
    kaligayahan, pag asenso at tagumpay,

    napagtanto ko na hindi pala
    importante ang mga iyon sa dulo
    ng aking paglalakbay,

    ang mahalaga pala ay kung paano
    ko nalampasan ang mga pagsubok upang
    makarating kung saan man ako patungo,

    ang mahala ay yung mga hindi masusukliang
    aral na aking natutunan sa aking paglalakbay,

    masakit man,
    nakakapagod man,

    ngunit ito ang mga kayamanang kailanman
    ay babaunin ko hanggang sa dulo ng
    aking kwento na magbibigay sa akin ng
    aral, lakas at tapang upang ipagpatuloy ang aking laban
    para mas mahalin pa ang aking sarili at aking
    mga kahinaan.

    #tagalog #pilipino #makata #wika #pagsubok #tula

    Read More

    ~laban lang~

    hindi madali,
    ngunit kakayanin.

    matagal,
    ngunit kakayaning hintayin.

    napakahirap at nakakatakot,
    ngunit walang katumbas na halaga
    ang magandang kapalit.
    ©naaaatsuke

  • jewel_m 49w

    Gala

    O gala
    parang isa ka na ngayong tala
    Na dahil sa pagkulong sa bahay
    ikaw nalang ay tinitignan ng may pagkaway
    Mga kaibigang nakikita mo nalang sa selpon
    nagpaplano kung paano parin makakaipon
    Ipon para sa mga galang gusto maganap
    pero sa bulsa pera'y hinahanap
    Kaway kaway sa mga estudyanteng sa bahay ang aralin
    pagkat ang inyong mga baon ngayon nalang ay mithiin

    ©jewel_m

  • bryaan 50w

    this makes no sense
    im trying to make Filipino poems
    hey pinoy mirakees
    #tagalog #pinoy #liyab #rupok #marupok #pagibig #love

    Read More

    isa karin bang gamu-gamo
    na
    naaakit sa liyab
    ng apoy
    na delikado
    at tiyak
    na ikakasunog mo
    ngunit,
    'di mo mapigilang
    lumapit
    at saktan
    ang iyong sarili
    para lamang
    maramdaman
    ang init
    ng kanyang
    mga labi

  • loneerieeon 52w

    SINTA
    (YUGTO II)




    Mahal kita aking iniibig, ito ang tunay kong nadarama

    Pag-ibig na ito ay hindi krimen, ngunit ako ay iyong naging biktima

    Di ka naman mandurukot, ngunit puso ko ay buong-buo mong kinuha

    Itong pagmamahal ko ay higit pa sa libong mga aklat na may milyong mga pahina



    Malabo man ang aking mga mata, ngunit ikaw lamang ang tanging nakikita

    Malayo man sa piling mo, bakit kaya hinahanap-hanap kita?

    Marami man ang nagsasabing hindi totoo ang magpakailanman, ako ay handang pumusta

    Sa sugal ng pag-ibig, pagtaya sa iyo ay aking ikaliligaya



    Oo, natatakot akong magmahal at muling iwan

    Oo, nangangamba ako sa mga panahong ako sa iyo ay may kakulangan

    Subalit alam ko ring kahit pag-ibig natin ay may kapintasan

    Ito ay bumubuo sa patlang nating mga puso, nang sa ganoon ay muling punuin, mapunan



    Di ko man maiibibigay sa iyo ang mundo at karangyaan

    Tanging maiaalay ko lamang sa iyo ay ang walang hanggang pagmamahal at katapatan

    Balang araw sa piling ko ay halik at yakap ang iyong mararanasan

    Walang kasing tamis, kahit asukal ay hindi makakalaban



    Ito ako ngayon, gumagawa ng mga linya kahit ala-una na ng umaga

    Ito ako ngayon sumusulat upang ipahiwatig ang pagmamahal ko sa iyo aking sinta

    Kahit panulat ko ay maubusan man ng itim na tinta

    Ipagpapatuloy ko ang pagbuo ng pag-ibig na binuod sa nag-iisang tula



    Ikaw ang araw na nagbibigay liwanag sa aking umaga

    Ikaw ang bahaghari matapos ang malakas na ulan, sa akin ay nagbibigay ng pag-asa

    Nagkamali ako, hindi ka araw o bahaghari, wala sa iyong maaaring ihambing na salita

    Bagkus natatangi ka, walang kahit anong tao o bagay na sa iyo ay maikukumpara



    Sa pag-ibig, hindi ako marunong mangako

    Dahil sabi nila ang pangako ay sadyang napapako

    Narito ako, nabuhay para tuparin ang mga pangarap mo

    Na magiging isa tayo, sa hirap, sa ginhawa, ano man ang unos na dalhin nitong bagyo



    Mahal kita ng buong puso, sa pag-ibig mo hindi ako susuko

    Ipagtatanggol ko ang kastilyong ating binubuo

    Kung saan nakalagay lahat ng mga ala-ala, oo tayo'y pinagtagpo

    Tinadhana sa isa't isa, hindi tayo magkakalayo



    Isa lamang akong simpleng tao, na umibig ng higit pa sa imposible

    Daang milya ang layo mo, ngunit para bang ang lapit ng iyong imahe

    Perpekto kang kabiyak, hindi ko man mailahad ang eksaktong detalye

    Ang alam ko lang ay ikaw ang nanaisin ko, pagmamahal na pangpermanente



    Araw man o gabi, kahit na lumipas pa ang panahon, ikaw lamang mula Enero hanggang Disyembre

    Tumanda man tayo, sa tabi mo ako ay pipirmi, ideyang napakasimple

    Hanggang sa kamatayan, pangalan mo ang isisigaw ng puso ko, mapulupot man ako sa alambre

    Musika ng aking pusong tumitibok, sa iyong pag-ibig lamang nakatimbre





    ©loneerieeon

  • loneerieeon 52w

    KAIBIGAN
    (WALANG YUGTO)




    Malalim na ang gabi, sumusulat ng tula para sa taong nagpapangiti sa akin

    Nakatingin sa alapaap at mga bituin, nawa'y tuparin ang aking dalangin

    Na habambuhay maging kaibigan ka't ika'y aking yayakapin

    Kahit 'di tayo tinadhana, saya ko sa piling mo'y buo pa rin



    'Di ko masabi ang tunay kong nararamdaman aking kaibigan

    Dahil baka unawain mo na ang pagtingin ko sa'yo'y isang martir na katangahan

    Ngunit kahit ganoon, ako'y makikita sa tabi mo, oo iyon ay magpakailanman

    Sa lungkot o ligaya, may uunawa sa'yo't magmamahal, maaari mong sandalan



    Sa lahat ng nakasalamuha ko, ikaw lamang ang ninanais ng puso ko

    Dahil ikaw ang pinturang nagbigay kulay, sa bawat sandaling magkasulatan tayo

    Bawat gabi, ikaw lamang ang laman ng isip ko, marahil may gusto ako sa'yo

    Oo kaibigan mo lamang ako, pero maraming salamat sa relasyon nating ito



    May mga oras na ako'y nangangamba't tinatanong ang sarili kung hanggang kailan kaya?

    Oo, natatakot ako na maglaho ka tulad ng isang bula, yung bang nawala na lamang ng kusa

    Katulad ng biglaang paglimot sa lahat ng pinagsamahan at mga ala-ala

    Ikaw at ang mga ala-ala, dito sa loob ng puso ko'y ikukulong at 'di na papatakasin pa





    ©loneerieeon

  • tjsilverlake 22w

    " "

    Kung bakit hindi ba naman kasi ako
    Ang iyong nakapangako

    Bakit hindi ba naman kasi ikaw
    Ang kasama araw araw

    Ngunit tuwing ngiti'y nakikita
    Ala-ala'y ginugunita

    At sa aking patulog,
    Pangala'y aking binubulong.

    Ngingiting bahagya,
    Mawawalan ng sigla,
    Dahil aking maaalala,
    Tayo nga pala?
    Tayo ay wala.

    ©tjsilverlake