#sinkinggovernment

1 posts
  • halongdexterous 100w

    Sawa kana ba?

    "Sawa ka na ba?"
    Sawa ka na bang kumapit sa patalim?
    Kahit anong gawin patuloy na nasa ilalim
    Sawa ka na bang makinig sa sirang plaka?
    Na pagbabago raw ay parating na
    Sawa ka na ba sa mga karahasang nababalita?
    Kabi-kabilang holdan sa eskinita
    Sawa ka na ba sa mabulaklak na salita?
    Na politiko, mauto lamang ang madla
    Sawa ka na ba sa walang kwentang sistema?
    Ng bayan na mismong mga bulok rin ang namamahala.